pantalon! bwahaha! tagal ko nang di gumagawa ng pantalon. tatlong pantalon ko na ang nabutas dahil sa lab. yung blue pants kong mukhang pajama (well... most of my pants look like pajamas) may red stain sa harap. natuluan ata ng 70% methanol. may butas pa. yung isa naman natuluan ata ng conc'd sulfuric acid. strong acid yun by the way. ayun, butas din. yung isa ko namang maong pants may crescent hole dahil sa katangahan. mabigat kasi yung boteng hawak ko. nakasquat ako sa sahig so ayun pinatong ko yung bote sa lap ko. ayun, nabutas. yey. stupid... haha
ang saya rin sa lab. pero tapos na yun. nag-resign nako sa trabaho ko. ang status ko ngayon ay unemployed. bakit? dahil nagresign ako para mag-aral para sa board exam. para mapilitan ako magboard exam. kasi kung di ko pa ituloy yun, nakakahiya naman sa lahat ng taong sinabihan ko na mageexam ako. waaa....
ayoko na sabihin dito ang maraming reasons ko para mag-back out. isa lang naman ang totoong reason eh: takot ako. hay... DUWAG!!!
*sigh*
nakakaaliw, tuwing iisipin ko ang fear, maaalala ko yung araw nung highschool na nakatambay kami sa creek. tinanong kami, "what is the opposite of faith?" sabi ko, "unfaithful?" hahaha! natawa naman sila. pero siyempre mali sagot ko. the right answer of course is fear. if you have faith, you have no reason to feel fear.
may nagsabi sa akin a few weeks ago, "take a leap of faith!" so sige. totoo na to. kahit hindi pa ako sigurado ngayon. kahit hindi pa natural sa akin ang faith. saan ba nakakabili ng faith? meron ba nun sa mercury drug? kasama ba yun sa mga pills na half price?
~
gusto ko pumasa sa board exam. hindi ko nasesense na kakailanganin ko ang lisensya sa gusto kong career path. pero gusto ko pa rin pumasa dahil gusto kong maging Chemist. parang doctor lang yan. hangga't di ka pumapasa sa boards di ka pa matatawag na doc. hangga't wala pa akong license, hindi pa ako matatawag na Chemist. maliit pa lang ako pangarap ko nang maging chemist. maliit pa rin ako at gusto ko pa rin maging Chemist ^_^
0 reactions:
Post a Comment